Muling Pagdiskubre ng Panulaang Filipino: Isang Pagninilay sa “Hindi Bagay” ni Jerry B. Gracio

 
Mamimingay tayo sa nagdaang musmos / Na pag-iibigang di saklot ng libog.
— Jerry B. Gracio
 

Hindi pa ako nakapagbabasa ng akdang tula na Filipino (o kung nakapagbasa man ako’y hindi ito buong libro halintulad nito). Maaari na nakalimutan ko na lamang ang mga dati ko ng nabasa, pero wala, wala talaga akong maalala bukod dito. Ang tanging masasabi ko lang ngayon ay malaki ang pasasalamat ko na nakilala ko si Jerry B. Gracio at ibinahagi niya ng libre ang akda niya sa Twitter (na ngayon ay X).

Ang istorya ng koleksyon ay umiikot sa pagmamahal at pananabik na mahalin tayong pabalik. Labis kong nagustuhan kung papaanong isinulat ang mga tula sa librong ito–na kung papaanong ang bawat simula ay pawang magkakatulad sa bawat isa. Binibigyang kahulugan ang bawat istorya sa pamamagitan ng paghahalintulad ng isa sa isa. Madaling maintindihan ang mga tula. Isa ito sa madalas kong nagiging problema sa tuwing nagbabasa ako ng ganitong uri ng libro. Palagian kong binibigyan ng mas malalim na kahulugan ang bawat salita kahit pa nasa harap ko na ang tunay na kahulugan nito. Pero hindi nagkaroon ng ganitong aspeto ang karanasan ko sa pagbabasa ng sulat ni Gracio.

Malamang ay makaka-relate ka sa pagbabasa ng librong ito. Sa kung paanong handa tayong gawin ang kahit ano man sa larangan ng pag-ibig. At sa bawat hamon ng panahon, hindi man natin makamit ang nauna nating pangarap, ay babangon tayo na mas malakas at patuloy na handang ibigay ang pag-ibig nang ating mga puso. Matagal na noong ibinahagi ni Gracio ang librong ito ng libre sa nasabing website, at hindi ako nagsisisi na kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang mabasa ang sulat niya.

 
Previous
Previous

56: Life According to Bob Ong

Next
Next

A Refreshing Return: Embracing The Near Witch